What are you thinking about, Jamie?
The future is waiting like a long lost friend.
The rearview mirror holds the past.

History

Total: 870,793
since: 3 Nov 2003

LINKBLOGS!!!

Best of 3D Street Art

7 October 2008, Tuesday
These are amazing!

WORLD OF AWESOME: CHIPWICH

5 October 2008, Sunday
I enjoyed this post and I'd like a Chipwich, thank you very much. "That's like having an orgasm while you poop on a water-slide!"

Kim Jung Hwa update: 10/04/08

4 October 2008, Saturday
Kim Jung Hwa attended the Nine Six New York Winter Private Collection fashion show.

Unbutton Your Beast

2 October 2008, Thursday
What the heck.

Ateneo backs out of PBL

1 October 2008, Wednesday
Ambilis namang commitment yan. One day lang.

Subscribe by Email

Search Box

 

Calendar

««Oct 2008»»
SMTWTFS
    1
2
34
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031

Pinoy Bloggers Society (PBS) PinoyBlogoSphere.com

Follow me on Mobile:

I've just set these ad spaces for only $0! What makes the cost rise is the bidding so come get them quick!

Project Wonderful - Your ad here, right now, for as low as $0.00

Who links to my website?

Your Ad Here

Back, literally.

posted 11 February 2008, Monday

Ahahahahah ang tagal namang hiatus yun! Dalawang araw?! Napagod na kasi ako noong isang araw eh. Wala na akong lakas. Kailangan ko yatang mag-Star rice. Hehe. Nagbayad na kasi ako ng personal trainer. Ang mahal, gash! Mga around 17 sessions ang binayaran kong package. So far, nasusulit ko naman dahil regular akong pumupunta sa gym. Masakit lang nga sa katawan. Ang pagkakaalam ko ayon sa mga taong ginugol ko dati sa soccer, kailangan ng pahinga ang mga muscles. Every other day, pwede na yun. Kaso kailangan kong pumunta 5 times a week. Desisyon ko na rin dahil ano naman nga ang gagawin ko sa bahay kapag 3 times a week lang ako pupunta 'di ba? Tumunganga sa pader? Kumausap ng butiki? Humigop ng hangin?

Masakit ang tagiliran ko ngayon pero noong kinakapa ko na, parang tumigas. Eto na yata yung muscle building na sinasabi ng trainer ko. Kung sa upper body ko, kailangan ng muscle building, sa lower body naman ay nangangailangan ako ng muscle wasting! 'Wasting' kasi nga naglaro ako dati ng soccer at malaki talaga at matigas ang calves ko, seryoso.

Minsan gusto ko nang bumigay lalo na kapag tumatakbo ako sa treadmill. Kapag saksakan ng bilis ang treadmill, para ba akong matutumba kung bibitaw ako mula sa hawakan. Sinabi ko na sa trainer ko yon eh. Ang napansin ko nga lang, ok naman na ako kapag bumabagal ang pace ng takbo ko. Nag-iinarte lang kaya ako? Pero nawawala ako sa sarili ko kapag super bilis na eh. Blangko na talaga ang utak ko sa sobrang pagod at hingal.

Hindi naman laging torture ang pagpunta ko sa gym. May mga ilang exercises na ikinatutuwa kong malaman na kayang-kaya ko pala ang mga ito. Heto ang isa sa mga paborito ko:

Back extension 

Exercise ito ng likod e. Kailangang malakas ang likod mo para maibaba at maiangat mo ang katawan mo. Napansin ko noon na malakas ang lower back ko. Nadiskubre ko ito noong nasa kolehiyo ako. May training ako sa soccer tapos lahat kami sa team ay nakadapa sa lupa. Ihahagis ng kung sinong partner namin ang bola tapos dapat tirahin namin ang bola sa pamamagitan ng ulo. Ang mga teammates ko, hirap na hirap iangat ang katawan nila mula sa lupa. Tapos nagugulat sila sa akin na nadadalian ako sa ipinagagawa ni Coach sa amin. Parang ganito yung hitsura naming lahat noon:

 Superman!!!

Adik na yata ako sa back exercises e. 'Yang Superman pose na 'yan, nadadalian din ako. Heto pa ang isa:

Lower back exercise

Sa ngayon, kaya kong makasisenta na reps tapos 20 lbs. ang bigat. Minsan mabigat na talaga sa likod pero ewan ko, nachachallenge pa nga ako eh. Iilan lang 'yang mga gusto kong exercises kasi nagagawa ko ng mabuti. Gusto ko ring mabalik muli ang flexibility ko.


Hehehe si doggy, unat na unat. Sobra naman 'yan! Hehehe.

~~ 

Maiba ako. Natanggap ko na pala ang premyo ko mula sa Yahoo! Mail. Ang inaakala ko talagang t-shirt na matatanggap ko ay plain white, tapos may logo ng Yahoo! sa harap. Simple lang. Pero noong binuksan ko ang package, BULAGA! Itim ang kulay ng shirt tapos ang mascot ng Yahoo! Mail ang nasa harapan. Heto mismo ang hitsura ng mascot with matching confetti pa:

 Liam
 

At kasama pa niya ang aso niya sa gilid. Celebration daw kasi dahil bago na ang Yahoo! Mail. Nyahaha. Nanalo rin ako sa PinoyExchange ng loot bag na Alvin and The Chipmunks. Naks.

Magpapahinga lang ulit ako. Grabe, sana talaga lumakas ako sa ginagawa kong 'to. Nakakapagod... Salamat pala sa Google Image Search. Kung saan-saan ako napapadpad! 

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

AddThis Social Bookmark Button



Your Ad Here

1. nina left...
13 February 2008, Wednesday 3:18 am :: http://ninariccicruz.blogspot.com

Hi Jamie, your entry reminds me that I need to excercise too. I have a threadmill, barely use now sitting and gathering dust. LOLs Grabe, ang tagal na nya nakatengga. Kailangan gamitin ko na kasi syang naman.


2. Jamie left...
13 February 2008, Wednesday 8:08 am :: http://skyllo.blog-city.com/

Hi Nina! Mayroon din kaming glider sa bahay. Napanalunan ng kuya ko sa Christmas raffle ng kumpanya niya dati. Hindi ko lang ginagamit kasi ewan, ang weird e. Nakakatamad pag sa bahay kasi andun din ang higaan e. Aheheheh. Iba talaga ang atmosphere ng gym. Magandang epekto yung nakikita mo yung katawan ng ibang tao. Macoconscious ka in a good way.


3. Hikaru left...
18 February 2008, Monday 1:34 pm

hehe, i agree. its kinda motivating to stand in the tread mill next to the new gf of ur ex which happened to me. this was like 3 years ago. kakatawa. dun lang ako tumakbo ng 1 hour straight without reducing my speed. haha... ganadong ganado ako! i like the back extension. i also use it to work my obliques (tama ba yun?) instead na nakadapa, nakatagilid ako. effective to, you feel the tension along your sides.


4. Jamie left...
18 February 2008, Monday 1:36 pm :: http://skyllo.blog-city.com/

Yun yung ginawa ko kaya masakit ang tagiliran ko noon. Mas madali sa akin yung back extension talaga.


5. glitch left...
18 February 2008, Monday 9:43 pm :: http://www.glitchline.com

ahehe... naaliw ako sa entry at images. No pain, no gain. Good for you na may nakikita ka na result... tamang tama pagdating ng summer. hay, nainggit ako, need na din mag-gym ulit.


6. Jamie left...
19 February 2008, Tuesday 7:43 am :: http://skyllo.blog-city.com/

Thanks glitch!

Nakakapagod talaga lalo na't di naman regular 8-5 ang trabaho ko. >_< Pero so far naman maganda ang epekto. Sabi ko nga dati, pagdating ng August 8, 2008, kasing fit ko na yung mga Olympians. AHAHAHA ambisyosa.


Latest Entries

Bonfire

2 October 2008, Thursday 12:27 P GMT+08

Saltik?

30 September 2008, Tuesday 11:34 A GMT+08

Championship game

26 September 2008, Friday 8:48 A GMT+08
Your Ad Here