WALA AKONG PAKI KUNG BAWAL ANG TAGALOG BLOG SA ENTRECARD. MATAGAL NANG ENGLISH ANG GAMIT KO AT PAMINSAN-MINSAN NAGTATAGALOG AKO PARA MAKAIWAS SA PAGDUGO NG ILONG. MARAMI RIN AKONG NADADAANANG INDONESIAN BLOGS SA ENTRECARD KAYA HALATA NAMANG MAY NAKAKALUSOT. GAIN DIN NAMAN NG ENTRECARD KUNG MAY MGA FOREIGN LANGUAGE BLOGS SILA DAHIL MAS NAPOPROMOTE ANG KANILANG WIDGET.
LOL obligatory ba ito? Marami kasi akong nakikitang nagpopost na ganito ang topic e. Anyway, sa mga hindi nakakaalam kung ano ang Entrecard, basically network ito ng mga blogs. Kung sa tunay na buhay may business card na hinuhulog sa fishbowl, dito sa Entrecard, may card kang hinuhulog sa widget na parisukat ang hitsura. Teka, bakit nga ba "drop" e square yung widget? Wala naman yang butas at pangsalo. "Leave," pwede pa siguro, pero "drop"? O kaya "click" dahil nagkiclick ka lang naman. "Click your card here..." ANG SAGWA! Sige nga nga, "drop" na. You win.
So kung sumali ka sa Entrecard, madidiscover ka ng mga ibang users ("ng Entrecard", hindi "users" na masama ang dating). More exposure, hindi ba? Bale maglalagay ka lang ng widget na may Javascript sa website mo, bahala ka kung saan mo ilagay, basta nakaexpose, tapos yung mga taong madadaan sa blog mo ay maghuhulog ng card para naman malaman mong dumaan sila sa blog mo. Invitation na rin yan para pumunta ka sa blog nila. Sa bawat drop nila at drop mo, may nakukuha kang points. Para saan naman ang mga points na ito? Primarily para makapagadvertise ka sa ibang blogs.
Nakita mo ba yang widget ko diyan sa gilid? As of this writing, pagmumukha kong malaki ang andiyan. Pwede ka kasing maglagay ng sarili mong gawang avatar e. E tamad ako saka di naman ako magaling sa graphics (WALA AKONG PHOTOSHOP. BANO AKO SA PAINT.NET AT ULEAD PHOTO IMPACT!), ginamit ko na lang ang picture ko. Pwedeng tactic yan e. Kung yung pagmumukha ko naman kasi e parang timang, maraming macucurious kung bakit naging ganun ang mukha ko. Edi ikiclick ng tao, diba diba diba?! Pero kung ayaw mong tingnan ang litrato ko, pwede naman yang pag-usapan e. Edi palitan mo ng mukha mo! Diyan mo magagamit ang points mo.
Sa pagbisita ng mga tao dito, nagkakaroon ng credit value ang aking blog (Minimum ay 2 points). Dun nakabase ang points na kailangan para makapag-advertise ang isang publisher sa blog na gusto niya. Mas mataas ang points ng mga bigating blogs sa mga kadahilanang:
Siguro may mga iba pang rason pero yan na yung mga madalas at obvious na dahilan. Ngayon, baka nagtatanong ka kung ikaw ay may blog:
Ano ang makukuha ko sa pagsali sa Entrecard? Makakatulong ba iyan sa akin o hindi?
Sa palagay ko naman ay mayroon kang makukuhang maganda sa Entrecard. Ito ay isang social networking site. Nagkaroon na nga ng terminong "WEB 2.0" e. Kung hindi mo alam, heto. Para bang dati, napakaimpersonal ng Internet pero ngayon gumagawa ang tao ng paraan para maibsan kahit papaano ang isyung ito. Mas maraming makakakilala sa blog mo at marami ka ring matatagpuang blog kung hindi ka naman tamad. Para sa akin, nakakapagbasa ako ng iba't ibang estilo ng pagsusulat, marami akong nakikitang iba't ibang klaseng layout (may malinis, may baboy, may walang kwenta, may mabagal magload dahil sa dami ng lintik na widgets, may nakakabulag dahil sa kulay ng blog, may impressive) at nakikita ko rin ang mga services na ginagamit ng mga bloggers lalo na mga source of income nila a.k.a. advertisers. Tumaas din naman ang stats ko.
Stats? Paramihan yata ito ng points. Sigurado ka bang quality traffic ang makukuha ko? After all, card dropping nga ang drama ng Entrecard para maexpose ang blog mo.
As I've said earlier, maraming adik sa Entrecard na panay blog-hopping ang inaatupag pero hindi marunong magbasa ng blog. Would you believe na maaari mong ibenta ang Entrecard ko? As in tunay na pera ang gagamitin ha. May iilan na pumapatol diyan (kahit hindi naman service ng Entrecard yan.) kaya nga yung iba talaga ay nagpapaalipin sa Entrecard para mangolekta ng points. Maaari mong sabihin na hindi quality traffic ang makukuha mo sa Entrecard. Hmmm. Depende rin e. Kung engot ka naman sa blog mo, wala nga talagang magbabasa ng blog mo, I'm sorry, pero kung sa tingin mo naman ok ka, may magbabasa sa 'yo, I'm pretty sure. May konsensya pa ang iilan sa Entrecard, huwag kang mag-alala.
May dapat ba akong alalahanin kung sasali ako sa Entrecard?
May iilan, base sa karanasan ko. Una, tantsahin mo kung hindi ka sosobra sa bandwidth kapag gumamit ka nito. Dadami nga kasi ang pupunta sa blog mo e. Swerte ka kapag libre ang blog host mo, e paano kung nagbabayad ka? Sabi ko nga, tantsahin mo. TANTSA is the magic word. Kung marami na ngang nag-iiwan ng card sa blog mo, gugustuhin mo bang magdrop din sa ibang blogs? Edi mas maraming pupunta sa blog mo dahil nga nag-iwan ka ng card di ba? Diskarte lang talaga, tsong/tsang. Pangalawa, kailangang mong matanggap na mayroon talagang magdadrop and run sa blog mo. Hindi yan maiiwasan. Pangatlo, maging masipag ka sanang mag-approve ng advertisements. Kapag may nag-aadvertise sa yo, sa tingin ko 2 lang ang ibig sabihin niyan: Mura pa kasi ang credit value ng blog mo O nagustuhan ka ng advertiser mo. Either way, parehong maganda para sa iyo ang may advertisers, believe me.
Balita ko, ayaw ng advertisers ang Entrecard dahil sa drop 'n run.
Ows. Talaga? Ay may kababasa nga lang akong blog tungkol diyan. Hindi ako masyadong pamilyar sa blog monetizing e dahil uubra na muna sa akin itong Project Wonderful at AdBrite at pareho namang OK ang dalawang advertising methods na ito kapag itinabi sa Entrecard. Depende talaga. Nasa iyo ang pagpapasya. Pero kung wala ka namang advertisers sa blog mo, bakit hindi?
Binayaran ka ba ng Entrecard dahil sa sinulat mo? Paid review ba ito?
HINDI at HINDI!
Huling pahayag: I think maarte yung mga taong nagpopost ng blog na tungkol sa mga reklamo nila na kesyo low quality ang traffic na ibinibigay ng Entrecard blah blah blah kaya sila umalis. DISKARTE kasi ang wala sila e. Ang bawat website ay may pros and cons, may strengths and weaknesses. Ikaw ang bahala kung papaano mo imamaximize ang strengths ng Entrecard. Kung may blog ka at nakakaya mong ihandle ito, ano lang ba ang isang widget, di ba? Siguro itong mga taong ito ay nagfofocus lang sa kahinaan. Aysus bakit pa sila gumamit ng Entrecard kung wala silang kailangan sa service na yun at PERFECT BLOGGERS sila ha? Ibig sabihin may kulang pa sa kanila, hindi lang nila inaadmit... Ooooooh don't hate. Ganun na ba talaga kaimportante ang sinasabi ko? Wow naman.
maraming salamat po sa pagbisita s munti kong site.balik po kayo!
hi itots! salamat din! bibisita ako sa blog mo. marami akong napupulot na
trivia at balita sa yo e. heheh salamat!
Hi there! Thanks for reading! You can use this, why not? :D