Nakakapika nung isang gabi. Pauwi na ako noon. Halos 12 na nang madaling araw ay sumakay ako ng bus. Nakasabay ko ang isang grupo ng magkahalong babae at lalake, pero mas maraming babae. Nakadamit sila ng semi-formal, basta karamihan sa mga babae sa grupo na yun ay parang niraid ang tiangge kung titingnan mo yung damit nila. Yung tipong mga 400 pesos na blusa, ganun ang suot nila. Tapos may dala silang paper bag. Ang hula ko, itim na sapatos ang laman non. Nagpalit na sila ng tsinelas para naman makahinga ang mga paa nila mula sa pagkakakulob sa balat nilang sapatos sa maghapon.
OK naman silang makasama sa bus kung ganun lang naman. Wala akong problema sa pananamit nila. OK nga yon at nakuha pa nilang magdamit nang mabuti kaysa naman mukha silang basurang pumasok at umalis sa trabaho, hindi ba? Ang nakakainis lang kasi ay kay iingay nila nung pagsakay nila ng bus. Dinaganan pa ako nung isa kasi wala nang libreng upuan sa bus at nakatayo na lang siya sa gitna. Bwiset. Gabi na. Gusto ko sana ng mapayapang pag-uwi, yung tahimik sana dahil pagod ako. Siguro naman ay gusto rin ng iba yung ganung pag-uwi, yung makakapagpahinga sila sa biyahe, pero putaragis tong mga berat na mga call center agents. Ang lalakas ng boses tapos Ingglisan pa nang Ingglisan. Akala mo hindi pa sila tapos magtrabaho kahit nasa bus sila at pauwi na rin. Hoy mga walang pakiramdam, wala akong paki kung magaling kayong mag-Inggles at kayo ay nagsasanay lang para maging bihasa kayo sa pakikipag-usap sa ganyang wika pero naman, kailangan bang malaman naming ibang pasahero kung anong naging lecture niyo kanina?
Nung isang beses, pumreno kaagad yung bus. Madulas ang mga upuan sa bus dahil nababalutan ang mga ito ng vinyl. Siyempre yung iba ay nauntog sa head rest ng upuan sa harapan nila. Yung isang agent, ang sabi niya sa kasama niyang nasa kabilang upuan, "I was waiting for you to..." sabay kawag ng kamay sa ere saka humawak siya dun sa head rest sa harapan niya. Saka niya lang nasabi na "... bump." Ano kamo, yun lang ang sasabihin mo, natagalan ka pa? Ang bagal naman ng reflex mo. "I was waiting for you to... bump." Siguro kapag nabangga yung bus sa poste ng Meralco, ang sasabihin mo "I thought we were going to..." tapos dumudugo na ang ulo at ilong mo saka nabalian ka na ng tadyang, saka mo lang sasabihin na "...die." Pwede ba, huwag ka nang maging try-hard. Sana sinabi mo na lang na "Hinihintay kitang mauntog." Mabilis pa, saka kahit Tagalog e nakukuha kaagad ang ibig sabihin saka hindi ka pa nahihirapang mag-isip diyan.
Hay naku. Natuto lang sa call center, yumayabang na. Kaya nga tinuturuan ng maayos na pagsasalita ng Inggles ay para makapagtalastasan nang mabuti sa iba, hindi para mang-intimidate. (Excuse me, hindi ako naiintimidate at wala akong balak na maintimidate, susme.) At kung balak mo ngang mang-intimidate, siguraduhin mo lang na talagang magaling ka. Mapapahiya ka lang kung hindi. Pati ego mo, matatamaan. Hindi mo pala kayang panagutan 'yang yabang mo. Hanggang pananamit lang pala na mula sa tiangge ang kaya mo.
At saka 'yun nga, ang iingay nila. Pag may bababang kasama nila sa bus stop, lahat sila magbababay nang napagkalakas. "BABAY, (insert real name, kasi hindi na operator name ang ginagamit)!!!" HALLER, school bus niyo ba 'yong nasakyan ko? At nasaan na ang mute button kapag kailangan ko?
Wala akong galit sa LAHAT ng call center agents dahil naging isa rin akong agent kahit sa maikling panahon lamang. Pero dyuskopo, itong mga gagang 'to, nagkakalat. Kaya tuwang tuwa sa inyo yung mga tulad ni Cofibean e. Hep hep hep, sandali. Hindi ko sinabing agree ako sa mga sinasabi ni Cofi sa blog niya. Ang sinabi ko lang ay natutuwa si Cofibean sa inyo. Tuwang tuwang talaga. Nagdisclaimer lang ako dahil baka may OA diyan.
Malapit na yata ang period ko. Hindi naman ako kaagad naiinis normally.
jamie, this is funny. though i think you were pretty annoyed last night.
you know in japan, if dare use your phone on the train or in any mass
transport, people would look at you with disgust and probably usher you to
the cabin where calls can be taken. they revere peace and quiet after a
long days work. i wish people here would do that. last night going home, i
was stuck at the back of an innova and there two girls on my left. the
whole way home they were cursing, bobbing up and down, and even playing
some stupid tracks they recorded. it was so annoying because the road was
not smooth, it was a bumpy ride already and then top that with their
annoying voices and cursing. damn. i was controlling myself from telling
them to pipe down.
thanks sa info tungkol sa japan. :P buti sana kung hindi kulob ang bus,
kung kasing lawak ng parke ang bus, pero hindi e. kaya hindi magandang
mag-ingay sa loob. nakakasakit ng ulo lalo na kapag gabi.