LOL at siyempre may pagkaatribida ako sa previous kong entry. Wala naman kasi akong masulat tungkol sa akin lately. Ewan. Parang wala naman kasing exciting na dapat isulat. Meron nga ba?? Siguro hindi lang ako nagtitiyagang maghanap ng dapat isulat. Marami naman talaga puwedeng isulat, baka nga wala lang akong gana. Ang sarap pa namang magsulat kapag ganado. Sige, subukan ko. Kaya naman siguro ng powers ko to. Ahaha.
Nakalimutan ko nga palang idagdag sa mga kuwentong gym ko yung isa kong experience sa dance class. Hay naku. May isang kumag dun na ang laki-laki. Nasa harap ko pumwesto. Dyaske, kung magsayaw, parang magigiba yung studio! Klutz ba? Grabe, ilang beses niya akong tinamaan sa pagsayaw. Hindi man lang siya makaramdam na ang laki-laki ng space na kinukuha niya sa studio. Wala naman akong problema sa mga taong hindi marunong magsayaw dahil ako rin ay hindi magaling sa larangang yan, pero naman! Parang nag-aamok yung loko! Ang laki ng takot ko noon na masampal niya ako nang di oras kapag umikot siya. Hindi naman ako makalipat dahil masikip sa studio noon. Special kasi yung session na iyon kasi bago yung itinuturong steps. At ito pa ang matindi, MAY KASAMA SIYA NA GANUN DIN! Twin tower of terror, susmaryosep!
I look in my diary almost every day
See how bad life's been
And how much better things could be
I can't face the truth cause then I'd be facing you
Oh my. Eto yung isang lumang kanta ni Scott, Bob at Clint sa Holiday Train na ang pamagat ay Kissing and Bleeding. Nakakaloka, bakit ganyan ang tema ng kantang 'yan? Tinatamaan ako!! Alam ko nang may ganyang kanta sila pero 'di ko pinag-aksayahan ng panahon na alamin yung lyrics, o di kaya ay kabisahin ang kanta. Balik sa lyrics ng kantang ito, minsan talaga binabasa ko muli ang mga luma kong diary entries. Nababasa ko roon kung sino yung mga taong binigyan ko ng pansin noon pero wala namang nangyari pagkatapos. Minsan sinasabi ko sa sarili ko, "Nagpakatanga ka na naman!" Parang may konting pagsisisi. Sa kabilang banda, kung di mo naman iaacknowledge yung pakiramdam na nahuhulog ang loob mo sa isang tao, paano ka matututo? Ayokong sabihing "paano ka masasanay?" dahil ang pangit pakinggan. Masasanay ka nga bang umibig? Hindi ba dapat hindi mo ito kasanayan? Kasi ang tendency kasi ay mabale-wala mo ito. Kaya siguro ganito ang nangyayari sa akin. May gusto man akong tao, parang "Ops! Hanggang dito ka na lang muna." Magpakatanga ka muna sa maling tao para maging marunong kang magpasya kapag kasama mo na "siya" at iyon ay sa takdang panahon. Hay ang hirap maging positive. Talaga nga bang may taong para sa iyo? para sa akin? Inisiip ko na lang minsan na andiyan lang siya at hinahanap niya rin ako. Hindi pa kami nagkikita dahil may mga bagay na dapat muna naming ayusin para kapag nagkita na kami, kaunti na lang ang dapat asikasuhin at hindi makakaabala ang nakaraan sa kung ano man ang kasalukuyan namin. Parang ganun 'yung nabasa kong libro dati tungkol sa mga anghel. Nandiyan lang ang mga anghel. Actually meron daw anghel na naatasan na bantayan ka. Kung magko-concentrate ka pa nga raw, malalaman mo ang pangalan ng anghel de la guardia mo. Ang anghel ko ay nagngangalang "Pim" pero imbento ko lang 'yan. Nagkataon kasi na nung nabasa ko yung librong yan, natuwa ako sa palayaw ng dating MTV VJ na si Sonia Couling kaya ang trip ko noon ay tawagin ko na lang na "Pim" ang aking anghel. Ayon sa libro, kasabwat ang mga anghel sa takbo ng buhay mo. Ngayon hindi ko pa nakikita 'yung The One (How ~baduy~ naman the term! Ahahay!) pero ang sabi daw ay habang hindi ko pa siya nakikita, tinutulungan ng mga anghel ang The One na maghanda para magkita kami. Baka raw sa panahong hindi ko pa siya natatagpuan, pinahihilom muna ni The One ang mga sugat niya mula sa previous niyang relasyon. Parang ganun. Pwede, di ba? At ganun din siguro ang nakatakda sa anghel ko pagdating sa akin. Marami pang kaguluhan sa buhay ko kaya't gagabayan niya ako. Ang sarap ng pakiramdam na may kasama ka sa bawat yapak mo, kahit wala pa si The One.
Ahahaha at talagang nagdrama ako. Hindi naman. Seryosong usapan lang 'yan, peksman. Hindi naman ako nagpapaka-emo kasi kung nagpapaka-emo ako, e 'di sana ay nagkulong na ako sa aparador at naglaslas ng pulso habang nakikinig sa "Perfect" ng Simple Plan.
Maiba ako. So siguro nabalitaan niyo na, nilagay ko na rin yung link dito e. Ayon sa KBP wala raw nangyaring dayaan sa Wilyonaryo noon. PWE! Sino na naman ang nasilaw sa pera, aber?! Ang linaw-linaw nung nangyari, pati rin pala KBP kinakarir ang pangloloko katulad ng Wowowee. Simula nung sumabog yung scam na yan, nainis na ako sa Wowowee. Kawawa naman yung mga contestants na ang tagal-tagal na pumipila sa labas tapos magkakaroon ng ganyang dayaan. Pinaglalaruan lang ng Wowowee ang mga tao dun. That is just sick. Saka kung iisipin, hindi magagawa ni Willie Revillame na tirahin si Joey de Leon kung hindi siya desperadong isalba ang show at pati na rin ang pagmumukha niya sa kahihiyan. Kasi naman, paano napasok sa dayaan si Joey de Leon e isa lamang siya sa mga nagbigay ng opinyon tungkol sa nangyari. Masama bang magspeculate? Bakit kailangan pang lumuha ng balde-balde yung mga co-host niyang babae di ba? ANG SHOWBIZ! Ang kasalanan, kailangang pinapanagutan. Hindi porke't kayo-kayo lang ang nakakaalam sa ginawa ninyong kasalanan ay hindi na kasalanan ito. KASALANAN PA RIN YON, SER AT MAM. Dyusme, yung ngang dayaan sa AGB Nielsen, panay ang follow up ninyo, panay ang palabas ninyo ng mga statements tungkol sa integridad blah blah blah, pero simpleng show and tell lang, paliwanag man lang na malinaw tungkol sa nangyari mula kay Willie, hindi ninyo maibigay. O ano ngayon ang pakiramdam ng dinadaya ha?
Tinanggal mo na ba ang Christmas decorations niyo sa bahay? Ako, hindi pa. Andun pa yung Christmas tree namin sa sulok!!!!
I love Jung-Hwa too!! :) Googled her name and came across your page. Loved
it. I take it you're a big fan of her too? I like Regine Velasquez too. :)
Awesome voice.
Hi Ina! Thanks for visiting my blog. Yes I have been a Jung Hwa fan for
years now. :D