Nagbabasa lamang ako ng mga ulat tungkol sa pangyayari sa Wowowee noong nakaraan. Mayroon daw matandang babaeng nakitaan ng dede matapos itaas ang kamay niya para ipakita ang kanyang [maputing] [maputi nga ba?] kili-kili. Para pala ito sa paligsahan ng Rexona sa nasabing palabas. Nagkataon na hindi nakasuot ng damit na panloob si lola at nakalimutan niya siguro na ganoon pala. Hayun, nakita ng sambayanan ang kanyang lawlaw na dede.
Marami nang nagsulat tungkol dito kagaya
nito. Nabasa ko rin ang mga puna ng mga nakibalita. Natagpuan ko ang mga punang ito:
defpotec
says:
-
hindi boobie slip to!! flashing to.. tana.. kadiri.. ang ganda ng title mo… yun pala.. tana.. paksyet..
di na ako makakapagsaltik ng 3 linggo nito
MARU
reply on September 7th, 2008 7:39 pm:
Napatigil ako sa pagbabasa ng mga puna dahil ngayon ko lamang nabasa ang salitang 'saltik'. Ano ba ang ibig sabihin ng saltik? Kung pagbabatayan ang mga isinulat ng mga taong ito, ang pagsasaltik ay nangangahulugan ng paghipo ng sariling ari dahil sa makamundong pagnanasa. O kung gagamitin naman ang salitang kanto, "pagbabate".
Napag-alaman ko naman na ang salitang "saltik" ay isa pang salita para sa
'tirador'. Doon na ako nagtaka. Hindi ba ang tirador ay nakasasakit sapagkat ito ay isang sandata? Ano ba ang gamit ng tirador? Hindi ba ito ay upang makatama sa pamamagitan ng bato na pinampupuntirya? Naaalala ko pa nga, dati ay gumamit ako ng tirador para tirahin ang suso ng mga baka sa probinsya. Nakarma pa nga ako dahil hindi mahigpit ang pagkakahawak ko sa tirador kaya't nagsugat ang aking kaliwang kamay.
Kung masarap sa pakiramdam ang "pagsasaltik" at nakasasakit ang "saltik", hindi ba't isa na itong malaking kabalintunaan? Maliban na lamang kung pinupuntirya mo ang sarili mong ari ng tirador at nasasarapan ka rito. Isa ka palang SADISTA!
tags: saltik rexona girl boob slip lola wowowee
links: digg this del.icio.us technorati reddit
sows! kaw pa. makakita ka nga lang ng mga pusang na nagse-seks eh nagsasaltik ka na. Plastik mo ha. Bwahaha!