Skyllo.Blog-City.com

Dichun mai sabai dee. :(

Your Ad Here

History

Total: 1,609,156
since: 3 Nov 2003

Subscribe by Email

Search

 

Calendar

««Nov 2009»»
SMTWTFS
1234567
8
9
10111213
14
151617181920
21
22232425262728
2930

LINKBLOGS!

Gap year travel, Volunteer abroad, TEFL Courses and more from i-to-i

22 November 2009, Sunday
Don't mind me. I'm just bookmarking sites I see about traveling..

15 handy bookmarklets to power up any browser

10 November 2009, Tuesday
Bookmarkletssssss! I use one for my Blog-City too!

10 handy Userscripts for Google Chrome

10 November 2009, Tuesday
Google Chrome is my secondary browser!

How to Milk an Almond (fresh homemade almond milk, easy)

24 October 2009, Saturday
From Instructables

"European Fun Guy" calendar from iCarly

17 October 2009, Saturday
LOL WUT. Half-naked models on Nickelodeon?

김정화 / 金晶和 / キム・ジョンファ

Your Ad Here

OMG

posted 30 April 2008, Wednesday

UUUUUUUYY

kahapon nga pala sinubukan kong magsulat dito kaso 'takte, naghang yung firefox ko. hindi ko narecover yung sinulat ko. hindi kasi uso sa akin ang draft-draft pagdating sa blogging. on the spot ako gumagawa. naranasan ko na kasi dati yung gagawa ng draft tapos ipopost sa blog sa takdang oras. ang boring! minsan kasi may naiisip akong spontaneous tapos dapat maisulat na. nakakadagdag ng excitement sa blogging, kumbaga. lolz "exciting ang blogging." adik na nga yata ako sa pagsusulat.

nasabi ko pala sa huli kong disenteng entry (ahaha) na sana kapag nakapagsulat ulit ako nang matino dito ay dapat nailipat ko na ang video ko ni kyla mula video cam hanggang computer. wala, hindi ko pa nagagawa! tinatamad. malapit pa naman na ang pagbisita ni vanessa carlton dito sa maynila. mayroon akong kakilala online na hindi siya gaano gusto, kaya lalo pa akong interesado na makita si vanessa --- para maasar siya! haha. ang sarap mangpikon ng tao!! wooohoooo!!

nung isang araw pala, napadaan ako sa national book store. at ayan na naman ang pagbili ko ng libro. hindi na natapos! marami pa akong babasahin sa bahay pero kapag nakakikita ako ng librong mura at kaaya-aya, binibili ko! parang skwela tuloy kahit hindi na ako nag-aaral. tambak ang babasahin. hinay-hinay naman, jamie!

nakita ko na ang pangalawang libro ni jay panti sa book store. kung naaalala niyo (o hindi since matagal ko na itong isinulat), nagsulat ako tungkol sa unang libro ni jay panti na pinamagatang the kikiam experience. medyo bago pa yung aklat noon at nung nag-google pa ako ay isa lamang na blog entry ang nakita kong response. bale may picture lang ng cover ng libro tapos may kaunting "haha, nakakatawa!" na etching. eh ako kasi hardcore akong magblog noon, kaya pati yun, naiblog ko na rin! nakakatawa nga e. sana mabasa niyo. tawa ako nang tawa sa opis nung nabasa ko yun. tapos yun nga, nabili ko nga yung sumunod na libro na pinamagatang the panti chronicles. aba gaya ng inaasahan ko para doon, mas maraming material si jay sa libro niya! ayos ka, 'tol!  oo nga pala, naisulat ni jay na may mga nagtext sa kanya ng congrats at nag-iwan ng comments sa blog niya dahil sa libro niyang yung. tapos may nabanggit siyang blogger. AKO NGA BA YUN, JAY?! *kapal fez mode* hindi nga, ako nga ba yun? dati talaga kakaunti ang results para sa libro mo, jay. tingnan mo ngayon. i-google mo ang "kikiam experience" "jay panti". 79 entries na! at eto ang magiging ikawalumpung entry! asenso ka na, dude! grabe tandang tanda ko pa nung ang isa sa mga latest entries mo e yung tungkol sa pacquing hall. ahihih nakakatuwa nung nabasa ko uli to sa libro mo. parang kailan lang!

congrats nga pala ha, jay. dahil sa libro mo, hindi yung dahil sa pagkadeny ng visa mo. sayang din pala sa tina. kung wala lang siyang "pananagutan" e. sulat ka pa, jay, ng pangatlong libro, bibili ako. hehe

maiba ako. wala na kaming wi-fi sa bahay. tinanggal na yung wireless router. hay naku buti naman. mas destructive para sa akin ang may wireless dahil napupuyat ako sa gabi kakainternet. ang lakas ng temptation na magbabad online kahit dapat natutulog na ako! kalokohan nga e kasi sa wireless namin, hindi ka makakanood ng streaming video nang mabuti, tapos pinipilit ko pa rin. lolz. mabilis ang metacafe kumpara sa youtube at dailymotion... pero siyempre kung ibabase mo naman sa content, di ba, mas ok dun sa dalawang nahuli.

syet nabalitaan niyo ba yung filedropper.com. 'takte may offer daw kasi sila na lifetime ek-ek chuvaness kaya nagregister ako. nakalimutan kong ibahin ang password na ireregister ko bago ko kinonfirm ang registration ko. tapos ayun may account na ako, useless naman. disabled ang pagupload. pati pagpalit ng password, disabled din. ano ba to, scam? nadigg effect ba to kaya itinigil nila ang offer nila? wala na kasi yung free registration page nila e. bastos. pati customer service nila, palpal. hindi sumasagot. TO FILEDROPPER, IF YOU OFFER SOMETHING LIKE THAT, BE A "MAN" AND TAKE RESPONSIBILITY, you asses.

recently sa pipl.com ay may pacontest na ipod ang premyo. basta ang mechanics ay ishare mo lang ang iyong kuwento kung papaano nakatulong ang pipl sa iyong mga searches blah blah. hinanap ko ang kanilang terms and conditions = wala. so sumali na ako. nagpadala ako ng kuwento. pagkatapos ng ilang araw, inemail ako ng customer service ng pipl. hindi raw ako nanalo ng ipod. naku halos yun na yung inaasahan ko dahil nasa pilipinas ako at kadalasa'y pang united states lang ang mga ganitong contests. pero ang sabi nila, interesado sila sa kuwentong aking ipinasa. humingi sila sa akin ng permiso kung pupuwedeng ipaskil nila yung kuwento ko, tapos nagtanong din sila sa akin kung mayroon ba akong maibibigay na picture para naman may mukha sa tabi ng istorya. aba. ala testimonial ang dating! edi sige ibinigay ko. kapag nakita ko yung link kung saan nila ipapaskil yung mga kwento, ipopost ko rito.

yun lang muna ang isusulat ko sa ngayon. kung hinahanap niyo ako, madalas na akong nasa livejournal pero siyempre hindi ko ipagpapalit tong blog-city ko no. siyudad ko to, bakit ko iiwan e ako ang mayor? lol

tags:                                    

links: digg this    del.icio.us    technorati    reddit

AddThis Social Bookmark Button



Your Ad Here

Latest Entries

i don't care eh eh eh eh eh

21 November 2009, Saturday 11:46 A GMT+08

sick? again?

14 November 2009, Saturday 9:08 A GMT+08

going to bkk

9 November 2009, Monday 3:26 P GMT+08
Your Ad Here